Thursday, October 15, 2015

Gintong pilak

Kanina habang kumakain kami ng mga kaibigan ko sa isang maliit na tindahan na nagtitinda ng lutong canton, kami ay masayang nag-uusap tungkol sa mga masasayang bagay at nagaasaran. Hanbang napapasarap sa kwentuhan ay may biglang kunalabit sa akibg likuran, isang babaeng nalilimos ng "PERA", habang nanlilimos sa akin ang isang may edad ng babae ay biglang umaning ang aking utak at sinabing wala ni miaki singkong butas ang akibg bulsa.


Nang umalis si manang ay bigla akong natanga at tila kumunot ang noo. Tinanong ang sarili na "sinong niloko nun?" grabe ang lupet kasi ni manang. Pusturang gusgusin pero ang kanyang mga ngipin ay gawa sa pilak... Langya ako nga walang pampaayos ng ngipin ko tas gagawin nya pangmodus ang panlilimos para sa ngipin nya. Di lang gawa sa pilak kundi may mga nakakabit pang bakal. Napaisip tuloy ako na "sino nga ba samin ang tunay na kaawa awa?"


Sa panahon ngayon di na importante kung paano ka pimustura, dahil kung sino paa yung di kahinahinala ay sya tong kailangan tuunan mo ng bahala.

Wednesday, October 14, 2015

Kapirasong sarap ng langit

Haaayyy... Sa hirap at saya ng biyaya ng buhay tsak mapapasabi ka na lang nyan... Sa araw araw na pagbangon natin ay may hinahandugan tayo nito na syang pilit nating pinagpapaguran at pinagpapawisan makita lang ang walang kaparis nilang ngiti... Pero di laging pasko na syang inuulan tayo ng swerte sa bawat pagbangon natin, minsan maluluha na lang ang mga matang tila nagsasabing, 'paano na sila?'...


At syempre walang kinalalaman yun sa kwento ko (biro lang)...

Isang umaga noon, pupungas pungas at wala ako sa wisyo para bumangon at pumasok sa mag-aalay sa akin ng magandang kinabukasan, nang biglang matauhan dahil sa oras na kikitil sa aking mga pangarap dahil mahuhuli na naman ako sa klase. Konting buhos, sabon, punas, inom ng kape at bihis at handa na naman uli ako sa panibagong gera na naghihintay sakin.

nagmamadali akong sumakay ng tricycle at bumaba  para lang mahabol ung jeep na maghahatid sa akin. Sa likot ng mga mata ko habang nagmamadali ay biglang nawala ang pagkataranta ko at napalitan ito ng ngiti... Nakita ko si manong na 'barker' na may hawak na 'Tablet' ( ang makabagong gadget ng panahon na impluwensya ng teknolohiya) habang nagtatawag ng pasahero... Partida nakatingin pa sya sa screen at naglalaro ng 'candy crush' habang nagatatawag ng pasahero kahit di nya nakikita ang mga rutang dadaanan nito (nga naman, sa tagal ko sa trabahong ganun di pa ba ako masasanay?). Habang humahagalpak ng tawa ay bigla akong napaisip na, 'siguro malaki ang kinikita ng mga barker, biruin mo nakapundar sya ng tablet... Pero gulagulanit pa rin ang kasuotan nya? Payat at tila walang sustansyang naiaambag ang pagkain.

Dahil sa sitwasyong aking nasaksihan, tila sumabulat saking isipan na 'kahit anong hirap na dinadanas natin sa buhay mairaos lamang ang ating kagustuhan kontra sa tunay na pangangailangan ay ayos na!'

Totoo yan, wala tayong iniindang problema dahil naiibsan ito ng ligaya na syang natamo natin... Sa panandalian panahon nga lang... Bawat segundong natatakpan ng limot ay lalong lumalala ang sitwasyon, at malalaman na lang natin sa bandang huli na mas kailangan pala natin ang mga bagay na tinalikuran natin noon.


 Lahat naman tayo ay nadadala ng galak o tukso na maari nating maranasan sa oras na makita na natin ang kagustuhan, pero di ginagamit ang matalinong desisyon na syang may hawak sa kung anong pwedeng mangyari pa sa hinaharap. Purong panadaliang kaligayahan na syang kay bilis din pagsisihan.

Balikan natin ang buhay ni manong... Maraming dahilan siguro? Kaya sya mayroon tablet. Maaring di sya pamilyado at tangin sarili na lang ang inaasahan at itinataya ang kumakalam na sikmura para lang sa Candy na pinagpapares ang kulay (o baka malaki talaga ang kita sa pag-babarker? Makapag barker na lang kaya?). O isa syang pamilyado na may mayamang asawa...

Hindi ko naman minamaliit ang mga may ganung klaseng pamumuhay, ang iniisip ko lang eh, sa ganung kalagayan ay mas nanaisin ko pa bang magpipindot? Kaysa isipin ang maaring hirap namingRanasin?
Ang mga sikmurang kumakalam at ang pagaasa nilang hinihintay ay tila nababali wala dahil sa lintik na piraso ng kasiyahan. Lahat tayo ay may karapatang lumigaya, pero iba ang ligaya kapag wala ka nang problemang iniinda...


Kainis late na naman ako sa klase...

Ngalan ng hinanakit

Las Islas Filipinas,pangalang isinunod kay Haring Felipe II na unang ipinangalan sa ating bansa. Tila totoo ngat mahab na ang nilakbay ng ating bansa sa usaping kasarinlan. Isang patunay na riyan ang salitang Pilipinas na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng ating bansa.

Nakaraan taon lamang isang maugong na balita  aking natunghayan, walang iba kung di ang isyu ng pagpalit ng pangalan ng bansa. Mula Pilipinas patungong Filipinas.

Kung mapagsasalita lamang muli ang mga yumaong bayani sasabihin nila'y "huwag ninyo namang sayangin ang ang mga pinaghirapan namin para sa kalayaan inyong maranasan". O di kaya'y sang-ayon ka na Dilipinas ang pngalan ng bansa, filipino ang tawag sa atin at Filipino isa mga pinagaaralan nating asignatura at tayo'y itunuturing na bagay o subject lamang. Tila'y  sandali muna "tao po ako".

Sabi ng ilan "Para rin lang tayong nagpasakop muli sa mga dayuhan". Na nagpahirap sa mga Pilipino at tumuring na tayo'y mga " Indio" sa sarili nating bayan. Na sa ibang panig nama'y isang pagkilala lamang da mabuting nagawa ng dayuhan.

Ngayon pa ba kung kailan gumagawa na tayo ng sariling nating pangalan at paglalagay nf ating bansa sa mapa? May mabuti bang isusulit na pagbabago ang katawagabg ito sa nahihikaos na bayan? Kapag ang rosas ba ay pinaltan ng pangalan ay mas babango pa ba ito?

Badwagon

Sa ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, tila linalabas na naman ang ugali ng mga politiko na magpabida sa mata ng masa. Yung iba gumagawa ng isang malaking isyu na kung saan makakaapekto sa mga katunggali nila sa pwesto (kagaya na lang nang usang politiko na hindi daw lehitimong taga Pilipinas? Laking Pilipinas, pinalaking isang pilipino, natuto ng wika at dinala ang kultura ng bansa sa kanyang kilos... anong butas dun?) . Ang mas matindi pa ung ibang nagtatankang tumakbo ay tila hindi pa nakakapag rehistro ay nasa listahan na kaagad ni San Pedro at nagmamakaawang makapsok ng langit, binaril, sinalvage, pinasaksak at marami pang mga kawalang kakwentang gawain para laang makuha ang inaasam na pwesto at dumagdag sa patabaing baboy ng bansa.

Sa ngayon, di ko tlaga maiisip kung ano ba talaga ang mga layunin ng mga tatakbo? kahit ni sila rin siguro ay naaning na lang sa maari nilang matanggap oras na makaupo sa trono at hindi na iniisip ang dapat nilang gampanan bilang isang magaling maasahang lider ng mga nasasakupan nila.

Ang sakit talaga nating mga Pilipini ay makita lang nakakaawa ang isang politiko na tumatakbo, o di kayay ma impluwensyang pamilya ang kinabibilangan o di kayay kilalang may kaya sa buhay ay sya na agad nating kakagatin at di natin alam na isang pain ito para sa malaki nating pagsisi. Bakit nagawa ang impeachment? kasi gusto lang ng mga pinoy na tanggalin si erap ng mga oras na yun? ano to trip trip lang na tapos iboto ay tatangalin agad agad dahil pangit daw mamuno? Ano isang kanin lang ba to na kapagsinubo agad agad mong mailuluwa? eh kung di napagtagumpayan ang impeachment? mas malaking rebelde ang magaganap? Eh ung pinuno ba ngayon? ayos ba ang naging pamamalakd dahil ibinoto nyo sa impluwensya ng magulang?

Hayyy... ang sakit talaga sa ulo. Di ko alam kung ang problema ay tayo o ung mga tumtakbo. Kaya sa darating na halalan ay di sana matumbasan ng kusing ang mga tintang magdidikta sa nilalagnat nating bansa. At sana mas pagisipan ang iboboto hindi yung masabing pinili ng nakararami ay yun na agad ang pipiliin. Tsk tsk.

Mag-isip ng mabuti, hawak natin ang susi

Siguro'y nabalitaan na natin sa mga pahayagan, radyo, o telebisyon ang maugong na usapan hinggil sa mga  Pilipinong walang trabaho. Malaking epidemya ngang maituturing ang balitang ito. At mas nakakaalarma pa dito ay halos 11 milyon sa mga Pillipinong ito ay may edad 18 pataas. Kung ating iisipin ang mga edad na ganyan ay ang mga edad na mas kailangan natin mapaunlad ang bansang Pilipinas. Ngunit nasan sila? Asan ang mga kabataan na mukhang bibig ng ilan na " Pag-asa ng Bayan?"

Sa bawat araw-araw na dumaraan, patuloy na tumataas ang bilang ng walang pinagkakakitaan. Kada taon ay may daan libong estudyante ang nagsisipagtapos. Ngunit nasan na sila? Ngayong kailangan natinang kanilang mga kaalaman? Sa malaking bilang na ito halos maliit lamang na porsyento ang nakakahanap ng trabaho marahil kursong kinuha ay in-demand. Kaya ngayon ay nauubusan sila ng prebilehiyo na makahanap ng trabahong akma sa kanilang natapos.

Karamihan sa nagsisipagtapos ay kumukuha ng Medical and Allied Courses, IT, Business Ad.  at ilang kursong may kinalalaman sa engineering. Base na rito, napakalaking porssiyento na punapalo sa mahigitk kalahati ng mga bagong graduate anf bumubuo ng job seeker market sa Pilipinas. Samakatuwid, mga bata ang bumubuo ngayon ng workforce ng bansa.

Marami namang mas piniling kunuha nga mga trabahong hindi akma sa kanilang tinapos. Karamihan sa kanila ay nauuwi sa pagiging Call Center Agent. Patunay lamang ito na kung bakit ang mga Pilipino ay walang trabaho, hindi dahil sa kakulangan sa trabahong binibigay ng bansa.

Ngunit kung ating susuriin, marami pa rin ang kumukuha ng mga indemand na kurso tulad ng Nursing, na napapabalitaang  itinitigil muna ang pagtanggap ng mga estudyanteng kunukuha nito. King mayroong kakulangan sa trabaho sa karerang ito, bakit mas marami pa ring pumipili nito? Marahil alam nilang maranibg oportunidad na mayroon sa ibang bansa. Ngunit kinakailangan ng ilang taon na pagsisilbi sa bansa bago makalipad patungong ibang bansa.

Maari naring simulan ang lahat ng pagbabago sa pagpili pa lang ng kursong ating tatahakin sa kolehiyo. Magkaroon nawa tayo ng sapat na impormasyonsa kursobg ating pipillin. Buhay rin natin. ang ating isaalang-alang dito. Huwag punangibabaw sa ating isipan ng salapi na makikuha sa ating serbisyo kapag tayo magtatrabaho. Sa halup ay abg tagal o haba ng ating masisigurado sa trabahong ating tutunguhin.

Friday, October 9, 2015

Bilang ng pangarap

    Kaba, yan ang nasa sa isip ko ng araw na iyon. Kaba na syang tutunaw sa mga bagay na meron ako sa ngayon. Isang bagay na maaring makaapekto sa lahat, sa pamumuhay pati na rin sa aking pag-iisip. Isang bagay na syang dinadalang pasanin din ng iba, bagay na syang makakapagpabago daw ng takbo ng buhay ng bawat taong nangangarap sa pangako ng hinaharap. Dito nasusukat kung anong merong pag-iisip, pagkatao, at kung paano ka kumilos sa mundong ginagalawan mo. Masakit man isipin, ngunit sa tinagal tagal ng mga henerasyong lumipas ito pa rin ang syang matatag na basehan at salamin ng sinasabi nilang katotohanan. Maraming di nabigyan ng pag-asa, nabigo at di nabigyan ng pangalawang pagkakataon para matupad ang mga pinapangarap. Ngunit sa bawat kabiguan ay di pa rin nating nakalilimutang tumayo at ipaglaban kung anong meron tayo, dahil ang totoo di lahat umasenso nang dahil lang dito.

      At sa huli, ang matamis na pagpasa ang aking nalasap, ngunit sa kabila nito'y lungkot ang aking nadarama. Sa kasamaang palad di kaming lahat ay nakalusot at nakaalpas. Kung magbabalik tanaw ka sa iyong nabasa, ano na kaya ang kahihinatnan nila?

Tuesday, October 6, 2015

Malay ko ba?

     Sa ngayon, kaunting kibot mo lang o kaunting kilos mo na may bahid ng 'kaunting' pagkakamali ay tila isang malaking usapin na ang magagawa at tila tumatatak pa sa di maintindihang pag-iisip ng sang katauhan. Ang tanong eh, bakit? " eh basta mali siya, ang tanga tanga nya at ang bobo nya!" ?


      Sadyang nakakatawa nga minsan ang mga kamalian ng iba pagdating sa pagkilos, pananamit,  at pananalita. Ang tanong talaga, eh bakit ka nga ba natatawa?

       Ang ibang tao ay natatawa sa kamalian ng iba pagdating sa mga kilos o istilo ng porma na di nakaugalian na masilayan ng ating mga mapanlinlang ng mga mata. " Oi tignan mo yun oh, naka jogging pants tapos naka black shoes" sabay hagalpak ng tawa. "Tignan mo si Walter, parang poste kung magsayaw, di kimikilos" tawa na naman. Hayyy sadyang napakababaw ng kasiyahan ng iba sa atin. Bakit ba? eh kung gusto nyang naka naka blacj shoes eh, wala kang magagawa, at buti sya may black shoes. Eh kung si Walter naman ay may sariling istilo ng pag indayog sa pag di paggalaw? ...


      Ang iba naman sa atin eh bukod sa nabigyan na nga sula ng kasiyahan nung tao, eh tila isa pa itong instrumento para sirain ang pagkatao nito. Noong nakaraan nga lang eh may magkasintahang nanood ng sine tungkol sa kasaysayan. Habang nanonood ang dalawa, si babae ay di mapakali at may gustong itanong sa kasintahan tungkol sa palabas. At sinabing, "Bakit nakaupo lang si Mabini sa palabas?". Isang tanong ito na tila kumalat na parang sakit at kahit mismong batang uhugin na dumaan sa elementarya ay kaya itong lunasan. Dahil sa sinabu ng babae, agad itong nakarating sa pinaka malawak na gamit ng komyunikasyon, ang social media. Agad umani ng mga nakatawang kunento at ung ibay tila nakakatapak ng pagkatao. Lumabas ang pagiging dalubhasa ng nga nakabasa tungkol sa sinabi ng babae, at dahil dun ay pinagmuka syang mang mang.

      Ang sakit lang isipin talaga na sa isang kamaloan mong ginawa ay binabase na ang buo mong pagkatao. "Malay ko bang dakilang lumpo sya? Kilala mo ba nanay ni Albert Einstein? Ako kilala ko!"

      Sa mundo tatlong M ka lang na laging tatandaan, May mga bagay na ikaw lang ang may alam at di ang iba, May mga bagay naman na sadyang alam ng iba pero di mo alam at May mga bagay lang na parehas nating alam. Kaya wag kang pabida.

Friday, October 2, 2015

Buhay ng isang Api

      Sa mundo dalawa lang ang uri ng mukha; ang kaakit-akit at yung kay pangit pangit. Sa limampung porsyento na tumama sa akin ang kagwapuha, ay tila minalas ako. Sa ngayon pasan ko ang mga responsibilidad ng isang di kagandahang nilalang na tulad ko. Mga bagay na kailangang tanggapin dahil ito ang nakalakihan sa lipunan. Bagay na hindi nagbibigay patas sa lahat. At iyon ang nais kong ilahad.


      Panget ka kung, kahit anong galing mo sa pagsayaw ay lagi ka pa rin nasa likuran at nasasapawan ng mga di naman kagalingan pero nabuhat ng itsura. Minsan back-up o di kaya sub lang kung sakali. Di ka kagwapuhan o kagandahan kung ang posisyon mo sa mga restaurant o fast food chain ay tagahugas, tagahiwa, o tagaluto, at malabo kang mapapunta sa lugar ng cashier o taga hatid man lang ng pagakain. Kung sinuswerte taga punas ka ng sahig, kaso sa closing lang nagaganap. Sa klase, pangit ka kung di ka man lang matawag ng prof. mo kahit anong papansin ang gawin mo. Minsan nauulit na yung iba at mapapamura ka na lang dahil sayo itatapay yung mahirap na tanong. Pangit ka kung, ang pinasukan mong trabaho ay maging news caster sa T.V. pero nailugar ka sa mundo ng radyo, alam mo na kung bakit(kasi nga pangit tayo). 

     Pero di naman natin maakila na ang mga kagaya natin ay punong puno ng talento, pinagkaitan man tayo sa itsura ay bawi naman sa abilidad na meron tayo. At kalimitan sa atin mababait, dahil pag naging masama pang ugali mo, ewan ko na lang. 

     Sa mga bumabasa nito, kung di ka sumasang ayon eh, dalawa lang ang lugar mo, maaring magandang nilalang ka o nagmamaganda sa paninginng iba. Pero sa mga nakakaintindi, iisa lang ang ibig sabihin nyan, PANGET KA. Salamat sa pagbabasa. Ngayon alam mo na.

Wednesday, August 26, 2015

Sa araw-araw na Pagpasok ko sa Masikip nilang mundo

Sa araw-araw na pamumuhay na binigay sa akin ng Diyos...
masaya naman akong nakikipagsapalaran sa bawat yugto nito...
pero di ko alam kung hanggang kailan ito o hanggan kailan ko ito kakayanin...


Pero wala talagang kinalalaman yung mga sinulat ko sa taas, salamat sa pagbabasa...


Sa araw-araw na pagbangon ko upang matupad ang sinumpaang pangako ng hinaharap, isa sa mga gumagabay sakin patungo doon ang sasakyan ng masa, ang Philippine National Railways (PNR) at isa syang pampaseherong tren ( nag search pa ako sa google dahil di ko sure ung meaning). Sa bawat sakay may mga kwentong nabubuo ; drama, comedy, romantic, suspense , at minsan horror...


Drama... minsan kahit anong aga ko magising at bumyahe papunta sa istasyon ng tren, wala pa rin akong magawa dahil buwaya ang mga driver ng nasasakyan kong jeep, bawat kanto titigilan para may maisakay lang, hindi lang basta tigil, yung tipong maghihintay talaga ng pasahero kahit wala namang taong nakikita (naniniwala sila sa forever). Kaya pagdating ko sa istasyon nagmamadaling bumili ng ticket. Pagpasok sa malamig at amoy lumang bagon, nakatayo na ako, nag-iisa, nanlalamig, nalulungkot at naghihintay ng kalinga ng iba (biro lang). Sa una malamig kaya hindi mo na iniinda ang ngawit at habang papalayo na ng papalayo umiinit na dahil sa dami ng pasahero. Dito mo na maiisip na sana ay may mabait na nilalang na magpapaupo sayo... kaso wala. Kaya ni minsan di ko na naranasang makaupo sa tuwing papasok ako dun na wala ng bakante para mauupuan.


Kung di ka man naawa sakin kanina at hindi talaga sya masasabing drama, punta tayo sa Comedy. Sa totoo lang wala akong maisip na nakakatawa, kasi lagi na lang akong api sa tuwing sumasakay ako ng tren, hahaha joke.



Romantic (SPG), minsan naiisip ko na ang malas ko talaga sa mundo ng pag-ibig, bukod sa panget ako at walang alam na sports eh mahina pa ako sa pagporma, di bale may utak nmn akong maayos kahit papaano. Balik tayo sa kwento, minsan nakakita ako ng magkalaguyo ( mga bata pa) sa loob ng bagon, ang sweet nila sa isa't isa. itong si lalaki grabe makaharang sa mga pasahero wag lang maagrabyado si babae, at syempre  itong si babae nmn ay todo yakap kay lalaki... nakakatuwa nmn at medyo nakakalungkot dahil walang forever... pangalawa... senior edition... medyo naiilang ako dito sa eksenang to... matapos akong kiligin sa landian ng dalawa kanina eh medyo nandiri naman ako sa susunod na kwento. May mag kasintahan (medyo may edad na) na nakaupo (syempre may edad na kailangan pauupuin na, dahil yun lagi ang sinsabi ng mahiwagang voice over sa tren). Mala Kathniel ang eksena, si manong na todo ang kurot kay manang with yakap and halik pa na kasama, syempre si manang todo kilig sa ginagawa ni manong. Di ko alam kungbakit ko natagalang titigan ang dalawa pero naninibago lang siguro ako sa nasaksihan ng inosente kong mga mata at pag-iisip. Eeeekkkk...




At dahil naloko kayo ng SPG na nakalagay sa taas at patuloy nyo pa rin itong binabasa... Dun nmn tayo sa suspense... Papauwi na ako nun, at tila siksikan sa loob ng bagon... tipong di mo na mahahanap ang hinulog na karayom dahil sa siksikan. Bawat istasyon na nilalagpasan ay may ngiting namumutawi sa aking mga labi. Dahil sa totoo lang bukod sa mga basa naming katawan at di mapantayang amoy ay tila mapapamura ka dahil di ka nahalos makahinga sa loob dahil di nakakalabas ang hangin... Halos agaw buhay kami sa loob, bukod dun... sa kada isang lumalabas lima ang dumadagdag kaya halos mabalian ka na sa loob... Pagbukas ng tren may grupo ng mga pasahero ang papasok, ang mga nasa pinto ay tila nakikipag debate na sa nsalabas dahil di na kasya samanta ang iba nmn ay pilit pa rin pinpasok ang katawan nila malasap lamang ang murang pamasahe kanilang binayaran. Habang nangyayari ang pagpasok ay may nabubuo ng eksena sa pinto tila may nag sisiagawan na, dalawang barako ang nagsusuwagan ng salita, habalumalala ang pangyayari at tila natalo ang isa at di nakapasok... di nakatiis ang talunang barako at sinuntok sa batok ang kaaway nito... kumaripas ng takbo si manong at tumigil sa labas na kung saan tanaw ko pa... tila parang batang nang aasar pa at tinignan kung hahabol ung isang barako... nga nmn kung di ako makakasakay sapat ikaw din... eh kaso di nya napagtagumpayan... kaya ayun bawi lang sila. Si kuyang nakasakay at iniinda ang sakit ng suntok at si kuyang kahit di nakasakay ay tuwang tuwa naman at nakabwelta sya... Pilipino nga nmn...



Sa pang huling eksenang mababasa nyo ay talaga namang tatayo ang mga buhok nyo sa katawan ( bahala na akyo mag-isip kung anong buhok yun), at itong kwentong 'to ay masasabi kong horror... Sikskan sa tren nun at puro mga nakakatakot na nilalang ang kasabay ko noon, si manong na may maitim na budhi (batok), si kuyang amoy pasig at si ateng may nakaipit na hinog na bayabas sa kilikili... Di ko na alam kung saang direksyon ako haharap wag lang makita at madama ang mga presensya nila... at buti na lang bumukas ang pintuan ng pag-asa at may isang diwatang pumasok... Yesss may chix.... whoooo!... Jackpot sa harap ko pa pupuwesto... habang papasok ay laking tuwa ko dahil nasa harapan ko na sya, ngunit may hila hila syang kamay at tinawag nya ito... "Babe halika na dito" .. sa kagimbal gimbal na aking nasaksihan at narinig, npalagpas ko ng meron syang iba pero MAS LALAKI PA SA AKIN YUNG BOSES NYA!!! unti unting nandilim ang aking mundo at tila ang inaasahan kong diwata ay isa palang mapagpanggap na hari ng mga kapre... hayyy umuwi na nmn akong luhaan at sawi sa pag-ibig...



Sa ngayon yan lang muna aang maibabahagi ko sa araw-araw na pakikipagsapalaran para matagpuan ang ang pag-ibig este ang aking pinapangarap at bahagi lang yan ng aking mga babayin na pagsubok sa pag sakay ko ng tren araw araw... malay mo makasabay kita at ikaw na pala ang hinihintay kong ka sparks (exclusive lang sa babae)... biro lang... salamat sa pagbabasa at sana may natutunan (saang banda? eh puro kalokohan lang yan) at nag-iwan sa inyo ito ng ngiti sa inyong mga labi... (wala na talaga akong maisip).