Friday, October 2, 2015

Buhay ng isang Api

      Sa mundo dalawa lang ang uri ng mukha; ang kaakit-akit at yung kay pangit pangit. Sa limampung porsyento na tumama sa akin ang kagwapuha, ay tila minalas ako. Sa ngayon pasan ko ang mga responsibilidad ng isang di kagandahang nilalang na tulad ko. Mga bagay na kailangang tanggapin dahil ito ang nakalakihan sa lipunan. Bagay na hindi nagbibigay patas sa lahat. At iyon ang nais kong ilahad.


      Panget ka kung, kahit anong galing mo sa pagsayaw ay lagi ka pa rin nasa likuran at nasasapawan ng mga di naman kagalingan pero nabuhat ng itsura. Minsan back-up o di kaya sub lang kung sakali. Di ka kagwapuhan o kagandahan kung ang posisyon mo sa mga restaurant o fast food chain ay tagahugas, tagahiwa, o tagaluto, at malabo kang mapapunta sa lugar ng cashier o taga hatid man lang ng pagakain. Kung sinuswerte taga punas ka ng sahig, kaso sa closing lang nagaganap. Sa klase, pangit ka kung di ka man lang matawag ng prof. mo kahit anong papansin ang gawin mo. Minsan nauulit na yung iba at mapapamura ka na lang dahil sayo itatapay yung mahirap na tanong. Pangit ka kung, ang pinasukan mong trabaho ay maging news caster sa T.V. pero nailugar ka sa mundo ng radyo, alam mo na kung bakit(kasi nga pangit tayo). 

     Pero di naman natin maakila na ang mga kagaya natin ay punong puno ng talento, pinagkaitan man tayo sa itsura ay bawi naman sa abilidad na meron tayo. At kalimitan sa atin mababait, dahil pag naging masama pang ugali mo, ewan ko na lang. 

     Sa mga bumabasa nito, kung di ka sumasang ayon eh, dalawa lang ang lugar mo, maaring magandang nilalang ka o nagmamaganda sa paninginng iba. Pero sa mga nakakaintindi, iisa lang ang ibig sabihin nyan, PANGET KA. Salamat sa pagbabasa. Ngayon alam mo na.

No comments:

Post a Comment