Siguro'y nabalitaan na natin sa mga pahayagan, radyo, o telebisyon ang maugong na usapan hinggil sa mga Pilipinong walang trabaho. Malaking epidemya ngang maituturing ang balitang ito. At mas nakakaalarma pa dito ay halos 11 milyon sa mga Pillipinong ito ay may edad 18 pataas. Kung ating iisipin ang mga edad na ganyan ay ang mga edad na mas kailangan natin mapaunlad ang bansang Pilipinas. Ngunit nasan sila? Asan ang mga kabataan na mukhang bibig ng ilan na " Pag-asa ng Bayan?"
Sa bawat araw-araw na dumaraan, patuloy na tumataas ang bilang ng walang pinagkakakitaan. Kada taon ay may daan libong estudyante ang nagsisipagtapos. Ngunit nasan na sila? Ngayong kailangan natinang kanilang mga kaalaman? Sa malaking bilang na ito halos maliit lamang na porsyento ang nakakahanap ng trabaho marahil kursong kinuha ay in-demand. Kaya ngayon ay nauubusan sila ng prebilehiyo na makahanap ng trabahong akma sa kanilang natapos.
Karamihan sa nagsisipagtapos ay kumukuha ng Medical and Allied Courses, IT, Business Ad. at ilang kursong may kinalalaman sa engineering. Base na rito, napakalaking porssiyento na punapalo sa mahigitk kalahati ng mga bagong graduate anf bumubuo ng job seeker market sa Pilipinas. Samakatuwid, mga bata ang bumubuo ngayon ng workforce ng bansa.
Marami namang mas piniling kunuha nga mga trabahong hindi akma sa kanilang tinapos. Karamihan sa kanila ay nauuwi sa pagiging Call Center Agent. Patunay lamang ito na kung bakit ang mga Pilipino ay walang trabaho, hindi dahil sa kakulangan sa trabahong binibigay ng bansa.
Ngunit kung ating susuriin, marami pa rin ang kumukuha ng mga indemand na kurso tulad ng Nursing, na napapabalitaang itinitigil muna ang pagtanggap ng mga estudyanteng kunukuha nito. King mayroong kakulangan sa trabaho sa karerang ito, bakit mas marami pa ring pumipili nito? Marahil alam nilang maranibg oportunidad na mayroon sa ibang bansa. Ngunit kinakailangan ng ilang taon na pagsisilbi sa bansa bago makalipad patungong ibang bansa.
Maari naring simulan ang lahat ng pagbabago sa pagpili pa lang ng kursong ating tatahakin sa kolehiyo. Magkaroon nawa tayo ng sapat na impormasyonsa kursobg ating pipillin. Buhay rin natin. ang ating isaalang-alang dito. Huwag punangibabaw sa ating isipan ng salapi na makikuha sa ating serbisyo kapag tayo magtatrabaho. Sa halup ay abg tagal o haba ng ating masisigurado sa trabahong ating tutunguhin.
No comments:
Post a Comment