Kaba, yan ang nasa sa isip ko ng araw na iyon. Kaba na syang tutunaw sa mga bagay na meron ako sa ngayon. Isang bagay na maaring makaapekto sa lahat, sa pamumuhay pati na rin sa aking pag-iisip. Isang bagay na syang dinadalang pasanin din ng iba, bagay na syang makakapagpabago daw ng takbo ng buhay ng bawat taong nangangarap sa pangako ng hinaharap. Dito nasusukat kung anong merong pag-iisip, pagkatao, at kung paano ka kumilos sa mundong ginagalawan mo. Masakit man isipin, ngunit sa tinagal tagal ng mga henerasyong lumipas ito pa rin ang syang matatag na basehan at salamin ng sinasabi nilang katotohanan. Maraming di nabigyan ng pag-asa, nabigo at di nabigyan ng pangalawang pagkakataon para matupad ang mga pinapangarap. Ngunit sa bawat kabiguan ay di pa rin nating nakalilimutang tumayo at ipaglaban kung anong meron tayo, dahil ang totoo di lahat umasenso nang dahil lang dito.
At sa huli, ang matamis na pagpasa ang aking nalasap, ngunit sa kabila nito'y lungkot ang aking nadarama. Sa kasamaang palad di kaming lahat ay nakalusot at nakaalpas. Kung magbabalik tanaw ka sa iyong nabasa, ano na kaya ang kahihinatnan nila?
No comments:
Post a Comment