Monday, September 28, 2015

Isang gulong ng pag-ibig



          Ang pag-ibig, minsan, parang pagsakay sa pampasaherong jeep. Minsan kailangan mong makipag-unahan sa iba, dahil ang nararapat mong pwesto na pinaghintayan mo ng matagal ay  baka mapunta pa sa iba. Minsan naman ay kailangan mong maghintay kapag puno na, dahil ang masaklap dun ay naunahan ka na ng iba at sa tingin mo'y ipagsisisikan mo lang ang sarili mo kahit di ka komportable sa iyong nararamdaman sa loob nya. Minsan naman pagandahan ng diskarte, na kahit gaano ka pa katagal na naghihintay sa kanya eh kung naghihintay ka lang sa kanya na lapitan ka ay mukang malabong mangyari, sa dinami rami ng pasaherong naghihintay ay yung iba gumagawa na ng diskarte masakyan lang sya. Minsan kahit anong diskarte mong gawin ay may mga tao na sadyang mang-aagaw, yung tipong upuan mo na, naging upuan pa nila, yan yung mga magnanakaw ng diskarte, na kahit alam mo ng naghihintay at pinopormahan mo na ang darating na sasakyan ay bigla naman syang eentra at sisingit makaupo lang sa loob nya. Minsan kung ayaw mong masingitan pumila ka sa terminal, dun mo maipapakita na simulat dulo nakalaan ka para sa kanya at wala ng sisingit pang iba. At ang pinaka masaya sa lahat, ay darating sya sa piling mo na hindi mo na kailangang punila at ni isa walang karga at ikaw lang ang handa nyang ihatid kasama sya sa masayang paglalakbay ninyo sa inyong buhay.

          Sa araw araw na pamumuhay, iyan ang tumatambad sa akin dito sa mundong punong puno ng pagmahalan. Kaila ko kaya sya masasakyan?

No comments:

Post a Comment