Sa araw-araw na pamumuhay na binigay sa akin ng Diyos...
masaya naman akong nakikipagsapalaran sa bawat yugto nito...
pero di ko alam kung hanggang kailan ito o hanggan kailan ko ito kakayanin...
Pero wala talagang kinalalaman yung mga sinulat ko sa taas, salamat sa pagbabasa...
Sa araw-araw na pagbangon ko upang matupad ang sinumpaang pangako ng hinaharap, isa sa mga gumagabay sakin patungo doon ang sasakyan ng masa, ang Philippine National Railways (PNR) at isa syang pampaseherong tren ( nag search pa ako sa google dahil di ko sure ung meaning). Sa bawat sakay may mga kwentong nabubuo ; drama, comedy, romantic, suspense , at minsan horror...
Drama... minsan kahit anong aga ko magising at bumyahe papunta sa istasyon ng tren, wala pa rin akong magawa dahil buwaya ang mga driver ng nasasakyan kong jeep, bawat kanto titigilan para may maisakay lang, hindi lang basta tigil, yung tipong maghihintay talaga ng pasahero kahit wala namang taong nakikita (naniniwala sila sa forever). Kaya pagdating ko sa istasyon nagmamadaling bumili ng ticket. Pagpasok sa malamig at amoy lumang bagon, nakatayo na ako, nag-iisa, nanlalamig, nalulungkot at naghihintay ng kalinga ng iba (biro lang). Sa una malamig kaya hindi mo na iniinda ang ngawit at habang papalayo na ng papalayo umiinit na dahil sa dami ng pasahero. Dito mo na maiisip na sana ay may mabait na nilalang na magpapaupo sayo... kaso wala. Kaya ni minsan di ko na naranasang makaupo sa tuwing papasok ako dun na wala ng bakante para mauupuan.
Kung di ka man naawa sakin kanina at hindi talaga sya masasabing drama, punta tayo sa Comedy. Sa totoo lang wala akong maisip na nakakatawa, kasi lagi na lang akong api sa tuwing sumasakay ako ng tren, hahaha joke.
Romantic (SPG), minsan naiisip ko na ang malas ko talaga sa mundo ng pag-ibig, bukod sa panget ako at walang alam na sports eh mahina pa ako sa pagporma, di bale may utak nmn akong maayos kahit papaano. Balik tayo sa kwento, minsan nakakita ako ng magkalaguyo ( mga bata pa) sa loob ng bagon, ang sweet nila sa isa't isa. itong si lalaki grabe makaharang sa mga pasahero wag lang maagrabyado si babae, at syempre itong si babae nmn ay todo yakap kay lalaki... nakakatuwa nmn at medyo nakakalungkot dahil walang forever... pangalawa... senior edition... medyo naiilang ako dito sa eksenang to... matapos akong kiligin sa landian ng dalawa kanina eh medyo nandiri naman ako sa susunod na kwento. May mag kasintahan (medyo may edad na) na nakaupo (syempre may edad na kailangan pauupuin na, dahil yun lagi ang sinsabi ng mahiwagang voice over sa tren). Mala Kathniel ang eksena, si manong na todo ang kurot kay manang with yakap and halik pa na kasama, syempre si manang todo kilig sa ginagawa ni manong. Di ko alam kungbakit ko natagalang titigan ang dalawa pero naninibago lang siguro ako sa nasaksihan ng inosente kong mga mata at pag-iisip. Eeeekkkk...
At dahil naloko kayo ng SPG na nakalagay sa taas at patuloy nyo pa rin itong binabasa... Dun nmn tayo sa suspense... Papauwi na ako nun, at tila siksikan sa loob ng bagon... tipong di mo na mahahanap ang hinulog na karayom dahil sa siksikan. Bawat istasyon na nilalagpasan ay may ngiting namumutawi sa aking mga labi. Dahil sa totoo lang bukod sa mga basa naming katawan at di mapantayang amoy ay tila mapapamura ka dahil di ka nahalos makahinga sa loob dahil di nakakalabas ang hangin... Halos agaw buhay kami sa loob, bukod dun... sa kada isang lumalabas lima ang dumadagdag kaya halos mabalian ka na sa loob... Pagbukas ng tren may grupo ng mga pasahero ang papasok, ang mga nasa pinto ay tila nakikipag debate na sa nsalabas dahil di na kasya samanta ang iba nmn ay pilit pa rin pinpasok ang katawan nila malasap lamang ang murang pamasahe kanilang binayaran. Habang nangyayari ang pagpasok ay may nabubuo ng eksena sa pinto tila may nag sisiagawan na, dalawang barako ang nagsusuwagan ng salita, habalumalala ang pangyayari at tila natalo ang isa at di nakapasok... di nakatiis ang talunang barako at sinuntok sa batok ang kaaway nito... kumaripas ng takbo si manong at tumigil sa labas na kung saan tanaw ko pa... tila parang batang nang aasar pa at tinignan kung hahabol ung isang barako... nga nmn kung di ako makakasakay sapat ikaw din... eh kaso di nya napagtagumpayan... kaya ayun bawi lang sila. Si kuyang nakasakay at iniinda ang sakit ng suntok at si kuyang kahit di nakasakay ay tuwang tuwa naman at nakabwelta sya... Pilipino nga nmn...
Sa pang huling eksenang mababasa nyo ay talaga namang tatayo ang mga buhok nyo sa katawan ( bahala na akyo mag-isip kung anong buhok yun), at itong kwentong 'to ay masasabi kong horror... Sikskan sa tren nun at puro mga nakakatakot na nilalang ang kasabay ko noon, si manong na may maitim na budhi (batok), si kuyang amoy pasig at si ateng may nakaipit na hinog na bayabas sa kilikili... Di ko na alam kung saang direksyon ako haharap wag lang makita at madama ang mga presensya nila... at buti na lang bumukas ang pintuan ng pag-asa at may isang diwatang pumasok... Yesss may chix.... whoooo!... Jackpot sa harap ko pa pupuwesto... habang papasok ay laking tuwa ko dahil nasa harapan ko na sya, ngunit may hila hila syang kamay at tinawag nya ito... "Babe halika na dito" .. sa kagimbal gimbal na aking nasaksihan at narinig, npalagpas ko ng meron syang iba pero MAS LALAKI PA SA AKIN YUNG BOSES NYA!!! unti unting nandilim ang aking mundo at tila ang inaasahan kong diwata ay isa palang mapagpanggap na hari ng mga kapre... hayyy umuwi na nmn akong luhaan at sawi sa pag-ibig...
Sa ngayon yan lang muna aang maibabahagi ko sa araw-araw na pakikipagsapalaran para matagpuan ang ang pag-ibig este ang aking pinapangarap at bahagi lang yan ng aking mga babayin na pagsubok sa pag sakay ko ng tren araw araw... malay mo makasabay kita at ikaw na pala ang hinihintay kong ka sparks (exclusive lang sa babae)... biro lang... salamat sa pagbabasa at sana may natutunan (saang banda? eh puro kalokohan lang yan) at nag-iwan sa inyo ito ng ngiti sa inyong mga labi... (wala na talaga akong maisip).
No comments:
Post a Comment